HE'S INTO HER

14 0 0
                                    

Gamit ang ilang mga titik,
Nagsulat s'ya ng eksenang hahatik,
Hahatik sa kuwento na magpapanabik,
Nasa mga mambabasa ay magpapasabik.

Kuwento na mayroong paninindigan,
Paninindigan sa pamilya't kaibigan,
Kaibigan na iyong magiging sandigan,
Para sa pagsubok ay 'di ka magpadagan.

Kuwento na 'di alintana ang pagluha,
Luha na nagpapabasa sa buong mukha,
Na imahinasyon n'ya ang s'yang may likha,
Likha na isip at puso ko ay nakuha.

Libangan n'ya na 'di inaakala,
Hindi inaakala na patuloy makikilala,
At magkakaroon ng isang mahabang pila,
Hangarin n'ya ay patuloy na mpasaya sila.

"He's into Her" kuwento n'yang tumatak,
Sa mga eksena rito gumana aking utak,
Mga luha sa aking mga mata ay pumatak,
Basta para sa akin ay iba ang dulot nitong hatak.

Sa kuwentong ito marami mang mapupuna,
Pero sa puso at isip ko ito'y nanguna,
Mga sinasabi at puna nila ay hindi ko alintana,
Dahil sa mensahe nito ako'y na hila na.

Apat na taon na ang nakalipas ng ako'y mapadpad,
Sa mundong ito tinatawag nilang Wattpad,
Mga isinulat n'yang kuwento ako'y nangingiti ng malapad,
Dalangin ko ilan pa n'yang pangarap ay matupad.

Oo, s'ya na ang pinakahambog na manunulat,
Na nakikilala bilang "Maxinejiji" o Maxine Lat,
"He's into Her" ang isa sa kanyang isinulat,
Nasa puso at isip ko ay nag-iwan na ng pilat.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon