HE'S INTO HER

16 0 0
                                    


Isipan ko kusa itong binabalikan,
Mga eksena na may matinding bakbakan,
Mga linya na nagdulot din nang halakhakan,
Talento nilang na sadyang pinalakpakan.

'Di basta mawawaglit mga eksenang pigil-hininga,
Na mamalayan mo na lang ika'y mapapanganga.
Mga katangian nilang kahanga-hanga,
Mga palitang linya na pasok na pasok sa banga.

"He's into Her" ang pamagat ng  tinutukoy kong akda,
Na para sa aming sumubaybay ay napakaganda,
Deib Lohr at Maxpein Zin ngalan ng mga bida,
Mga bida na mamahalin mo rin na walang pagdududa.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon