PATULOY

13 0 0
                                    


Ilang araw na lang,
Ang ating mabibilang,
At kanya nang kaarawan,
Na dinaraos ngayong buwan.

May iba't ibang paraan para maipadama ika'y solido,
Ipakita at ipadama dahil sa kanya ika'y inspirado,
Wala iyan kung gaano ka pa rito katagal,
Basta sa pagsuporta sa kanya hindi ka mapapagal.

Sumuporta sa kanya kung saan ka komportable,
Minsan mas nananaig pa ang simple,
Ang mahalaga s'ya'y iyong mapangiti,
Sa kahit anong uring paraan mo pa s'ya binati.

Ang  pagpapahalaga ay 'di masusukat,
Iyan ang natutunan ko sa kanyang isinulat,
Pagsuporta at pasasalamat ay iyong maaring ibigay,
Iyon ang mabisang regalo sa kahit ano pang materyal na bagay.

Ako'y isa sa kanyang jijierang mambabasa,
Nang dahil sa kanya, at sa isinulat n'ya ay nagkaroon ulit ng pag-asa,
At ako sa  kanya hindi mapapagal na magpasalamat,
Paghanga at pagsuporta ko sa kanya ay 'di magkakalamat.

Para sa kanya ito ang aking munting regalo,
Sa paghamak ng iba 'di na ko papatalo
Magpapatuloy ako sa pagbuo ng mga salita,
Dahil isa ako sa kanyang jijierang makata.

Inspirasyon sa akin kanyang ibinigay,
Kaya sa kahit anong pagsubok 'di ako bibigay,
Ito ang munting regalo ko sa kanya,
Patuloy na ipapadama na inspirasyon ko s'ya.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon