HE'S INTO HER

9 0 0
                                    

Simula nang ikaw ay aking basahin,
Nakaligtaan ko na ang ibang gawain,
Bawat kabanata mo ay nais kong tapusin,
Ngalan ng pangunahing bida ay Maxpein.

Akdang isinulat ng nag-iisang Maxine,
Mga eksena rito, isip ko nagawang bulabugin,
Mga tagpong talagang ika'y paiiyakin,
Akala tuloy nila ako'y baliw mandin.

Simula no'ng dalawang libo at labing limang taon,
Sa totoo lang magpahanggang ngayon,
Ganoon pa rin aking mga nagiging emosyon,
Ikaw at si Maxpein ay aking naging inspirasyon.

"He's into Her" ikaw man ay tuluyang natapos,
Iyong mga alaala sa akin ay nakagapos,
Akdang minahal ko na rin ng lubos,
Pasasalamat ko kay Binibining Maxine ay 'di mauubos.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon