HIH Scene

16 0 0
                                    

Deib feel be like

Nag-aagaw ang dilim at liwanag,
Parang nadarama ko na hindi maipaliwanag,
Sakit at panghihinayang sa 'kin nababanaag,
Naghihimutok ito at sa nangyayari ayaw pumayag.

Kasabay ng paglubog ngayon ng araw,
Sana ang sakit na nadarama ko ay matunaw,
Ang iyong hindi pagsipot bigyan ako ng linaw,
Nais kong makasama habang nabubuhay ay ikaw.

Luha ko pilitin mang pigilin ay hindi ko magawa,
Nawala ang nadarama kong sabik at tuwa,
Nais kong tanungin kung sa 'kin wala ba s'yang awa,
Sa sinapit ng ating pagmamahalan nais ko idaan sana sa tawa.

Taguro ko, ako ba ay naririnig mo.
Narito ako at nananatiling nakadukmo,
Sa iyo sumisigaw at nagsusumamo,
Hindi dapat ganito ang ating natatamo.

Kasabay ng tuluyang pagtatakip silim,
Ang puso't damdamin ko ay naninimdim,
Nananalangin ako ngayon ng taimtim,
Bago lamunin ang paligid ko ng dilim.

Magtatago na ang araw at buwan naman ang sisikat,
Ang hinanakit sa puso't damdamin ko ay hindi ko masukat,
Pero sa alaala nating dalawa ay mananatiling may pilat,
Pilat na tanda nasa pagmamahalan natin ay ginawa mo ang lahat.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon