NAIS KO (Poser)

63 1 0
                                    

Brix feel be like

Naging malapit na rin s'ya sa aking mga kaibigan,
Ramdam ko na ako ay pilit n'yang iniiwasan,
May lungkot parati ang kanyang mga mata,
Nasasaktan s'ya sa paraan nang pakikitungo ko sa kanya.

Si Angel din ay nagawa akong lokohin,
Pero sinikap ko rin s'yang intindihin,
May nauna na s'yang mas minahal kaysa sa akin,
Di ko itinatanggi na ako rin naman ay ganon din.

Nariyan s'ya sumama sa aking mga kaibigan,
Para ako ay puntahan at kanilang damayan,
Nalilito na ba ko sa aking nararamdaman,
Namimiss ko na ang "babe" naming tawagan.

Ngunit pati s'ya, akin na ring pinagtulukan,
Sinabi ko na "di ko na s'ya mahal", saka ko s'ya tinalikuran,
Alam ko na iniwan ko na naman s'yang luhaan,
Pero ang totoo ay nais ko na s'yang yakapin at hagkan.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon