HE'S INTO HER

26 0 0
                                    

Nakaraang taon buwan ng Pebrero,
Natapos ang inaabangan kong kuwento,
Pero ngayon iniipon ang kanyang mga libro,
Dalangin sana lamang ay makumpleto.

Taong dalawang libo at labing apat,
Sa kuwento n'ya, ako'y napatapat,
Sa haba nito ay ako'y nagulat,
Kaya kahit hatinggabi mata ko'y dilat.

Sa isip isip ko noo'y matatapos ko ba ito,
Nang simulan ko na ayaw ko nang huminto,
Humiwalay man sa libro ay minuto,
Agad-agad din akong bumabalik dito.

"He's into Her" ang natatanging n'yang pamagat,
Nasa akin nagparamdam ng emosyon masasabi kong lahat,
Na isinulat ng nag-iisang Maxine Lat,
Sa bago n'yang handog na kuwento, ako'y nagpapasalamat.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon