HIH Scene

15 0 0
                                    

Deib feel be like

Gustong gusto kong magwala,
Sa paningin ko ayaw kitang nawawala,
Ngunit umalis ka na lamang bigla,
Mararamdaman ko, hindi mo inaalala.

Araw-araw kitang tinatawagan,
Boses mo nais kong pakinggan,
Paglayo mo hanggang kelan,
Pangungulila sa 'yo 'di ko mapigilan.

Sa kakaisip halos ako'y mabaliw,
Nararamdaman mo sa 'kin ba'y nagmaliw,
Mga nasa paligid ko sa lungkot ko'y nakikisaliw,
Nais na kitang makita aking giliw.

Sa araw ng aking pagtatapos ika'y nagpakita,
Akala ko, ako'y ganap na namamalikmata,
Pero hindi dahil ngayon ay kaharap na kita,
Nakangiti ka at may kislap pa ang mga mata.

Bumalik ka na tila walang nangyari,
Inis at pagtatampo sa puso ko naghahari,
Heto ka sa 'kin ay ngiting-ngiti,
Kung alam mo lang iniisip kita parati.

Babawi ka, iyon ang iyong ipinangako,
Pero wala ka na naman sa tabi ko,
Hindi ko alam kung mahal mo ba talaga ako,
Pangako mo ba muli na naman bang mapapako.

Isang araw bigla ka na lang nagpakita,
Sa iyo nag-uumpisa na kong mairita,
Nagtungo tayo ng Palawan na aking pinagtaka,
Hindi na ako nag-abala na tanungin ka.

Nagpatuloy ka sa 'kin sa pagsuyo,
Pero nanaig ang aking pagtatampo sa 'yo,
Nang makita ko ang suot mo ay nag-init ang ulo ko,
Ininsulto kita, kaarawan mo pala at nagulat ako.

Bumawi ako sa 'yo sa pamamagitan ng harana,
Pagtatampo mo sa akin ay agad na wala na,
Kaarawan mo ay natapos na tayo'y masaya,
Taguro ang mawala ka sa aking buhay ay hindi ko makakaya.









DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon