MESSAGE FOR MISS MAXINE

27 0 0
                                    

To: Miss Maxine Lat,

Ito ay mga tulang aking isinulat,
Para maipakita ang aking pasasalamat.
Masaya ko at nakilala ko ang isang Maxine Lat,
Na ang mga istorya ay talaga namang nakakagulat.

Sa iyong mga istorya maraming natututunan,
Sa medisina at sa bansang Korea ibinahagi mo ang iyong nalalaman,
Ipagmalaki mo ang binigay sa iyong kakayahan,
At lahat tayo may kanya kanyang kalakasan at kahinaan.

May mga kaibigan tayo na makakasama ng matagalan,
Na may mga tao na lubos nating mapagkakatiwalaan,
Dahil sa istorya mo rin marami akong nalaman,
At nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan.

Sana kahit paano ay napangiti kita,
Aminado ako, na di ako makatang makata,
Sayang ngayong booksigning mo ay di ako makakapunta,
Siguro sa ibang pagkakataon bakasakali tayo ay magkita.

Mabait ang mga jijies mo, lalo na ang mag-aabot nito,
Hindi ko nga, akalain na s'ya pala ay seryoso,
Masaya't masuwerte ako at nakilala ko ang isang 'to,
At iyon ay dahil ikaw ang aming iniidolo.

Mag-iingat ka palagi, at sana makalikha ka pa ng istorya,
Na magpapaiyak, at magbibigay sa mambabasa ng saya,
Salamat sa 'yong pagbahagi ng mga istoryang may aral,
Nais kong sabihin kaming jijies mo kusa kang minamahal.





DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon