MAXINEJIJI

36 0 0
                                    

Noong una mata ko'y pakurap-pakurap,
Sa gadget na aking hawak at kaharap,
Parang ewan ako na hindi makapaniwala,
Ilang segundo yata ko noon natulala.

Matapos noon napangiti ako ng malawak,
At titig na titig sa screen ng gadget na aking hawak,
Hindi ko talaga inaasahan at inaakala,
Dahil dito ay lalo akong ginanahan lumikha ng tula.

Ngayong taon na naglakas loob ako na ika'y batiin,
Hindi ko inaakala talaga, na ako ay iyong tutugunin,
Napangiti mo ko sa mensahe na iyong ibinigay,
Itong mensaheng ito para sa 'kin napakalaki ng bagay.

Iniimahe ko na ang aking sarili pag ika'y aking nakita,
Baka ako ay matulala o kaya magkaroon ng luha sa mga mata,
Pero ang makita ka sandali ay matagal ko nang inaasam,
Para man lang sa isang yakap pasasalamat ko ay akin sanang maiparamdam.

Maxinejiji, alam ko na mas lalo ka pang magiging inspirasyon,
Sa akin at lalo nasa mga kabataan nitong bagong henerasyon,
Maraming salamat sa oras na ibinibigay mo para sa amin,
Palagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin.






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 06, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon