HIH

10 0 0
                                    

Mayroong nais sabihin,
Mga katagang nais sambitin,
'Di mawari pa'no sisimulain,
Kaya akin na lamang tutulain.

Nakakabilib ang iyong abilidad at kakayahan,
Kahanga-hanga ang iyong angking katalinuhan,
Higit sa lahat humahanga sa iyong katatagan,
Sa kabila ng lahat ng pagsubok at karuwagan.

Kahanga-hanga ang iyong pagiging positibo,
Sa ating paligid na kayraming negatibo,
Na maging ating mga kapalaran ay malabo,
Sa hamon ng buhay nakisabay ka sa pagtakbo.

Ikaw ang bidang babae sa librong aking binabasa,
Na nagbigay ng inspirasyon sa tulad kong mambabasa,
Na 'wag kakalimutan na kahit ano mangyari ay may pag-asa,
'Di nagsisisi na ang iyong kuwento ay aking binasa.

Maxpein Zin Del Valle Moon iyong taglay na galing ay walang kaduda-duda,
At ngayon nagpapasalamat ako sa mismo sa may akda,
Sa pagbahagi ng kuwentong makabuluhan at maganda,
S'ya at ang kanyang "He's into her" sa aking puso ay parating bida.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon