MAZE

23 0 0
                                    

Apo s'ya ng isang sindikato,
Na kilala sa Tondo,
Pero mahalaga s'yang tao,
Dito sa aming mundo.

Masakit man sa 'kin ito,
Ako'y wala ng magagawa rito,
Dahil kahit ina n'ya makipagtalo,
Sa amin ay hindi s'ya mananalo.

Hinahabol ng parehong pamilya,
Ang nag-iisang anak n'ya,
Maraming inosenteng madadamay sa kanya,
Kung sa amin ay magmamatigas s'ya.

Paglaki nito ay sasanayin na,
Panay ang tanong ng kanyang ina,
Ano mas lalamang lakas o panghihina,
Sa kanya anong katangian ang mangunguna.

Sa paglaki nito siguradong sakit ng ulo,
At sa amin ay malamang makikipagtalo,
Gaya ng ina n'ya ay nanaising palaging panalo,
Pati mismong bagyo susuko rito sa dulo.

Ang cheotjae sa kanya ay namamangha,
Makikita ang saya sa kanyang mukha,
Katangian nito at ng sariling ina kanya bang makukuha,
Sa dadanasin nito, ilang beses itong maluluha.

Ngayon pa lang, sa kanya ay pupusta na ko,
Halos lahat ng bagay sa kanya ay susuko,
Iisa lang ang tangi kong mapapangako,
Mula ngayon ay pangalawang ina na n'ya ako.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon