MAXINEJIJI

14 1 0
                                    

Ngayon ay may hawak akong papel at pluma,
Nag-iisip ng mga salitang maaring maipagsama-sama,
Para sa 'yo, aking maihayag at magawang maipadama,
Na nangangarap din na kahit saglit ika'y makasama.

Simula nang mabasa ko ang mga akda na iyong likha,
Mga likha mong isip at damdamin ko ay nakuha,
Napapangiti kapag nakikita ko ang iyong mukha,
Nangangarap din na isang araw ika'y aking makasalamuha.

Hindi ko alam, kung sapat at angkop na aking gamit na mga salita,
Para maihayag na simula pa noon ay inspirasyon na kita,
Araw na napansin mo ko, aking palagiang nagugunita,
Hanggang ngayon nangangarap nasa personal ikaw ay akin ding makikita.

Ilang beses ko na sinubukang bitawan ang hawak na pluma,
Pero idinidikta ng aking isip at puso ay hindi magkatugma,
Kamay at isip ko ayaw din  sa 'kin makisama,
Dahil sa 'yong mga akda ay bumalik ang sigla kong nadarama.

Ikaw at iyong mga akda ang aking naging inspirasyon,
Kaya lumilikha pa rin ng ilang tula hanggang ngayon,
Dahil sa mga ito ay nagagawa kong ihayag aking mga emosyon,
At akin na ring unti-unting naaaninag nais kong layon.

Ako'y simpleng mambabasa mo mula sa Pampanga,
Sa 'yong mga likhang akda, ako'y hangang hanga,
Isa ako sa mga milyon mong tagahanga,
Maxinejiji sa iyo ay maraming salamat talaga.

Nakilala kita dahil sa iyong mga akdang isinulat,
Kilala rin kita sa gamit mong ngalan na Maxine Lat,
Ito ang salita nasa aking puso nagbubuhat,
Maxinejiji maraming maraming salamat sa lahat.

Sa pag-alay ng tula para sa 'yo, hindi ako mauubusan ng salita,
Sa 'yo  ay mananatili akong tahimik na nakasuporta,
Kahit na hindi pa tayo ganap na nagkikita,
Alam ko darating ang panahon, sa personal ay mapapasalamatan din kita.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon