PASASALAMAT

19 0 0
                                    

Ang klima ngayon ay nakakatamad,
Ngunit nang magtungo ako sa wattpad,
Update mo sa notif ko tumambad,
Muntik na kong mapa "Oh my God".

Heto na naman ako muling nagsusulat,
Kasi naman ako'y muli mong ginulat,
Kakaiba ka talaga Maxine Lat,
Aabangan ko itong umpisa ng lahat.

Sa isipan ko mga salita muling naglalaro,
At totoo hindi ako nagbibiro,
Ito ang simula bago umabot sa tunay na dulo,
Kaya naman isip ko yata muling magugulo.

Mga salita ko mang gamit ay 'di kalaliman,
Sana mabatid ang tunay na nilalaman,
Nais ko lang iyong sadyang malaman,
Ang pasasalamat na aking nararamdaman.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon