Istorya na labis na kinaadikan,
Ilang beses na nga binalik-balikan,
Mga eksena ay patuloy na sinasariwa,
Lalo na kung ito ay nagdulot ng tuwa.Ang bidang babae ay may katahimikan,
Pag-uugali n'ya walang bahid ng kaplastikan,
Ang bidang lalaki na kadalasan ay maloko,
Pero tumutupad naman sa kanyang pangako.Maxpein Zin na naglatag ng sariling patakaran,
Deib Lohr na may angkin ring katangkaran,
Sa isa't isa di nila sukat akalain na sila'y iibig,
Di naglaon ngalan ng isa't isa ay kanila ng bukambibig.Tunay ngang tulak ng bibig kabig ng dibdib,
Iyan ang nangyari sa nag-iisang si Deib,
Kay Maxpein daw ay imposibleng umibig,
Ngunit maya't maya tinatawag ng kanyang bibig.
BINABASA MO ANG
DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES
PoesiaDedicated kong tula para sa mga stories ni Miss Maxine Lat. Ang ilang mga tulang nakapaloob ay spoiler mismo sa istorya. He's into Her Poser The Wishful Thinker Maglaway ka man sa akin M (Project M) 2nd album Highest Rank in He's into her # 7 0...