MAXINEJIJI

18 0 0
                                    

Nag-iisip ng mga salitang maihahabi,
Salita na sana sa personal ay aking masabi,
Salita na inaasam kong mabigkas ng aking mga labi,
Kapag ika'y aking nakita na at saglit na makatabi.

Ilang buwan na lamang ay darating ka na,
Dinadalangin ko na, ako makadalo sana,
Haba ng pila at init ay hindi ko maaalintana,
Kung sa huli ika'y aking makikita na.

Salitang hinahabi ng aking isip ay anim na pantig,
Aking isip at puso ay iisa lamang ang pinipintig,
Mga salita na mayroong siyam na katinig,
"Maraming salamat" ang nais kong isatinig.

Maxinejiji maraming salamat sa 'yo,
Sana nga magkita na rin tayo,
Aaminin na umaasa ako,
Na ika'y makakausap at makikita ko.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon