MAXINEJIJI

13 0 0
                                    

Isang dalaga na nangingibang bansa,
Inaasikaso ang sarili ng mag-isa,
Pinapawi ang lungkot na nadarama,
Dahil sariling pamilya ay 'di nakakasama.

Mga aso at ibang hayop ay kanyang libangan,
Libangan na nagbibigay sa kanya ng kasiyahan,
Malawak na pang-unawa ang ating kinakailangan,
Bilang mambabasa galangin natin s'ya at suportahan.

Ang magsulat ng istorya ay hindi isang biro,
Imahinasyon natin dapat nakakondisyon para dito,
Bukod sa pagsulat, s'ya ay mayroong trabaho,
Kaya ang pagsusulat hindi n'ya agad mahaharapan ito.

Bilang mambabasa n'ya, ako'y nakakaunawa,
Basta nandito lang ako susuporta sa kanyang ginagawa,
Bukod sa pagiging Maxinejiji ay isang OFW s'ya,
Nakikipagsapalaran sa ibang bansa para sa kanyang pamilya.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon