HE'S INTO HER

23 0 0
                                    

Sa lahat ng bagay, ayos lang ang magkomento,
Huwag lamang may bahid na pang-iinsulto,
Dahil sa mundong ito, tayo'y iba-iba ang gusto,
Iba-iba ang napapansin sa bawat kuwento.

Lahat tayo may kanya kanyang desisyon,
May mga kalayaang magbigay ng opinyon,
Tayo'y minsan nadadala sa matinding emosyon,
Asahan mo nasa paligid mo 'di lahat sa 'yo ay makikiayon.

Sa pagpili at pagbasa ng kuwento ay 'di pinipilit,
Maaring sobrang ganda para sa 'kin, ngunit para sa 'yo naman ay pangit,
Masaklap ang katotohanan sa mundong ito mayroong umuusbong na salitang inggit,
Pero para sa akin itong "He's into her" ay mahihirapan akong ipagpalit.

Ang maaring maganda para sa 'kin, para sa iba ay hindi,
Dahil lahat nga tayo may sariling isip para umintindi,
Basta ang alam ko sa kuwentong ito tinamaan ako ng matindi,
Sa kuwentong "He's into her" ni Maxinejiji.

Sa sumulat nito abot-abot ang aking pasasalamat,
Dahil sa kanya muli akong ginanahan sumulat,
Maraming salamat sa 'yo Miss Maxine Lat,
Dahil sa 'yo nananatili kong hawak ang isang panulat.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon