WALANG KATAPUSAN

8 0 0
                                    


Ito ay  mga mumunting bagay,
Na kasiyahan sa akin ang ibinibigay,
Ito ang mga aklat ng kanyang istorya,
Na ibinahagi at isinulat n'ya.

Mga istorya na naglalarawan ng buhay,
Iba't iba pagsubok ang kanyang itinunghay,
Na hindi lahat  ng bagay sa 'yo ay aayon,
Ang mga pagsubok na dinaranas ay  gawing inspirasyon.

Sa tuwing pagmamasdan ko ang mga ito ako'y napapangiti,
Ngiti na masasabi ko na hindi matatawag na palamuti,
Mga bagay ito na nagbibigay sa akin ng saya,
Saya dahil nakilala ko ang isang katulad n'ya.

Ako ay isang hamak lamang na kanyang mambabasa,
Na dahil sa istorya n'ya nagkaroon ulit ng pag-asa,
Marami akong natutunan sa kanyang istorya,
Susulat muli ng ilang tula dahil dito ako masaya.

Mga aklat n'ya na mga karanasan ang sinasalamin,
Na nakakapukaw din  ng mga damdamin,
Mga karanasan at pagsubok na sa 'tin humuhubog,
Sa mga problema at lungkot huwag tayong papalubog.

Ang sumulat ng mga aklat na ito ay isang inspirasyon,
Ingatan at pahalagahan ang pamilya, kaibigan at edukasyon,
Dahil ang mga ito ang tunay na matatawag na yaman,
Na hindi mapapalitan ng kahit ano kailanman.

Mga aklat na ito'y aking malimit bubuklatin,
Mga istorya mo aking walang sawang uulit-ulitin,
Mga ito ay patuloy kong pakakaingatan,
Mga sinasalamin nito ay hindi ko malilimutan.

Walang katapusang pasasalamat Binibining Maxine Lat,
Dahil sa mga istoryang na iyong sinulat ako'y namulat,
Maraming salamat sa pagbibigay ng inspirasyon,
Ipinagmamalaki ko na kabilang ako sa tagahanga mong milyon.

Makakaasa ka na aabangan ko ang mga istoryang iyong ililikha,
Na tiyak ko na sa akin magpapabilib at magpapamangha.
Maxinejiji, isa ka sa mga hinahangaan kong manunulat,
Mapalad ako dahil nakilala kita bilang Maxine Lat.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon