HEURT PARK

31 0 0
                                    

Sila'y magkadugong tunay,
Dugo nito sa kanya ay nananalaytay,
Mga linyahang talagang pamatay,
S'ya nga ang kanyang nag-iisang nanay.

Tono nang pananalita ay kakaiba,
Na magdudulot sa kausap ng kaba,
Lagnat hindi sa kanya magpapatumba,
Tanong, sa kanya ika'y lalaban pa ba?

Pangamba at takot bihira s'ya tablan,
Heurt Park ang kanyang pangalan,
Iyan ang kanyang pagkakakilanlan,
Lalaban s'ya kahit pa bumuhos ang ulan.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon