MERON NGA BANG TAYO (TWT)

52 0 0
                                    

Laubree feel be like

Gustuhin ko man na maging positibo,
Sa paligid natin na maraming negatibo,
Pero di naman kasi ako manhid na tao,
Kaya nasaktan ako nang sabihin mo ang totoo.

Sinabi mo nga no'ng isang araw ako'y iyong gusto,
Di mo nga naman sinabi na mahal mo ko,
Tama ka nga naman, meron nga bang tayo?
Samantalang ang mayroon lang naman ay ikaw at ako.

Sana nga ay di ka na lang bumalik at nagpakita,
Hinayaan mo na sana ako na mamiss na lang kita,
Ngayon mo pa napiling sabihin ang mahal mo ay s'ya,
Di na kita pinatapos magpaliwanag kasi birthday ko nga.

May mga bagay na hindi natin talagang inaasahan,
Nagkukusa kasi ang ating nararamdaman at di mapipigilan,
Pero may mga bagay na hindi natin dapat inaasahan,
Kung ayaw natin na tayo ay labis na masaktan.



DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon