HIH

19 0 0
                                    

Deib feel be like

Sa kalangitan ako ay nakatingala,
Puso at isip ko ay di naniniwala,
Malungkot kong sinindihan ang mga kandila,
Sa 'yo ay labis pa rin akong nagtitiwala.

Aking Taguro, ako ay labis na nasasaktan,
Kung alam mo lang, ngayon gusto kitang sumbatan,
Ang sabi mo sa akin babalik ka, iyo na bang nakalimutan?
Bakit puso ko iyong labis na namang sinugatan?

Ang ganda pa naman ng kanilang pagkakagayak,
Narito ako ngayon, pinipigilan mapahagulgol ng iyak,
Puso ko ay unti-unti na ngayon nabibiyak,
Tatanungin sana kita ngayon,na maging aking kabiyak.

Sa sakit na nadarama, ako ay napapatulala,
Sa kalangitan hinahanap ko ang makinang na tala,
Hinihiling na sana ang lahat ng ito ay panaginip lang pala,
Dahil sa buhay ko, di ko kaya na ika'y mawala.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon