MONDRAGON

20 0 0
                                    

Heurt feel be like

Nahihirapan ako sa panganganak,
Aking pawis labis na tumatagaktak,
Ang doktor sa aking harapan panay pa putak,
Hanggang sa lumabas na ang aking anak.

Ipinalo niya ng malakas hanggang sa umiyak,
Napangiti ako dahil sa labis na galak,
Luha sa aking mga mata nais na pumatak,
Matinding sakit sa 'kin ay tumatak.

Sa pagmulat ng aking mga mata,
Tauhan ng aking ama ang aking nakita,
Mga ito ay hindi pa marunong umasinta,
Sila ay baguhan pa lamang at mga bata.

Ang nars ayaw pa ko paalisin,
Ospital na ito nais ko ng lisanin,
Sakit  na sinasabi n'ya aking iindahin,
Anak ko ang una kong iintindihin.

Sa direktor nagbayad ako ng dalawang ginto,
Sa una ayaw pa sa 'kin maniwala nito,
Kailangan ko nang umalis talaga dito,
Ibinigay ko ang tirahan ko para s'ya'y mahinto.

Nagtungo ako sa bahay ni Aling Nena,
S'ya 'y nag-iisa at matanda na,
Dito kami tutuloy mag-ina,
Hindi dapat ako maghina.

Hanggang natagpuan kami ng aking ama,
Hindi ko hahayaan may gawin s'yang masama,
Aking anak kanyang kinuha at isinama,
Sugat ko sumasakit at pakiramdam ko'y sumasama.

Umuulan kasabay ng kanyang pag-iyak,
Kailangan ko iligtas ang aking anak,
Sa aking ama maari s'yang mapahamak,
Buhos ng ulan ayaw matigil sa pagpatak.

Pagbuhos ng ulan ay lalong lumalakas,
Malapit na kong maubusan ng lakas,
Anak ko, mahihirapan akong itakas,
Sila'y dumating upang kami ay iligtas.

Wala raw makakapanakit sa amin,
Kahit pa na mismong kadugo namin,
Walang ligtas na mundo para sa 'kin,
Para sa anak ko lahat ay aking gagawin.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon