HIH

15 0 0
                                    


Akala kasi nila kahabaan nito'y nakakaantok,
Hindi kaya mata ko rito palagiang tutok,
Kaya katabi ko malapit nang mangbatok,
Kapag inagaw ang hawak ko halos maghimutok.

Sa mga ginagawa minsan ay abala,
Pero sina Sensui at Taguro aking naaalala,
Minsan pa nga ako'y napapatulala,
Kaya katabi ko buhok ko'y kanila nang hinihila.

Sa mga eksenang madrama ako'y napapaluha,
Akala nila napaano na aking mukha,
Sa mga eksenang aksyon ako'y namamangha,
Kaya itong hawak ko minsan kanilang kinukuha.

"He's into her" grabe ang epekto sa akin,
Kulang na lang sa pagamutan ako'y kanilang dalhin,
Paano ba naman maraming beses ako nagawa nitong paiyakin,
Sagot ko sa kanila mahihirapan kayo na ako'y intindihin.

Sa bawat kuwento 'di mawawala ang pagkakahawig,
Para sa 'kin iba pa rin ang kanilang pag-ibig,
Sa nararamdaman iba-iba ang paraan ng ating pagpapahiwatig,
Basta ako'y jijiera at "He's into her" madalas kong bukambibig.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon