MULI

8 0 0
                                    

Muli kong bubuklatin at babasahin,
Bawat eksena'y muli kong dadamhin,
Babasahin muli mula sa umpisa,
Mga istorya na nagbigay sa 'kin ng pag-asa.

Muli kong ililipat ang bawat pahina,
Oras ay hindi ko na muli maaalintana,
Mararamdaman ko muli ang bawat tagpo ng kabanata,
Na magpapanubig  muli ng aking  mga mata.

Iba't ibang emosyon ang ipararamdam,
Mga mata ko'y muling magiging malalam,
Mga istorya na nagpapawi ng sarili kong lumbay,
Mga aral mula rito ay aking ginagawang gabay.

Istorya na nagbigay ng samu't saring emosyon sa aking mukha,
Damdamin ko'y nakuha ng mismong may katha,
Kaalaman ko dahil sa mga ito ay muling  nadagdagan,
Dahil din dito nagkaroon  ako ng mga bagong kaibigan.

Mga libro na iba't ibang istorya ang sinasalamin,
Na mapupukaw kahit kaninong isip at damdamin,
Kaya labis akong nagpapasalamat sa mismong sumulat,
Na nakilala ko sa pangalang Maxine Lat.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon