MAXIMOR MOON

22 0 0
                                    

Ang puso't isip ko'y nababagabag,
Dahil katulad nila, mayroon akong inilabag,
Ngayon pa lang ako'y labis na nahahabag.

Aking ama sa 'kin ay sumusuporta,
May lungkot din kanyang mga mata,
Sa aking ina nahihirapan akong magsalita.

Aking panganay ay nais mag-aral ng medisina,
Nais ko na muna lumayo kami sana,
Iniisip ko ang magiging kalagayan ng aking ina.

Ilang araw bago ko naglakas loob magsabi,
Isang katotohanan na kailanman 'di ko maitatabi,
Mga agam-agam na bumabagabag sa 'kin tuwing gabi.

Pagkakamali na 'di ko pinagsisisihan,
Puso ko naghahalo ang lungkot at kasiyahan,
Pagsabi sa kanila nahihirapan ako umpisahan.

Asawa ko ay labis kong nasaktan,
Kasalanan ko ay 'di n'ya malilimutan,
Pagsasama namin ay tuluyang nalamatan.

Sinabi ko na sa aking ina ang aking lihim,
Napansin ko ang kanyang bagang nagtiim,
Kaya puso ko ay labis na naninimdim.

Nagpasalamat s'ya sa aking regalo,
Luha ko ay pinapigilan kong tumulo,
Kasiyahan sa 'king ina hatid nito sa dulo.

Anak ko ay tuluyan nang paparating,
Mga hamon sa kanya isa-isa darating,
Walang pangamba sa 'kin ina ni katiting.

Aking anak ay magiging ganap na rango,
Isang katotohanan na 'di ko na mababago,
Magtitiwala ako sa dumadaloy sa kanyang dugo.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon