HE'S INTO HER

30 0 0
                                    

Marami-rami na rin akong nabasang istorya,
Pero binabalik-balikan ko ang isang likha n'ya,
Mga ngalan ng bida at iba pa ay aking naaalala,
Tanging mga istorya n'ya ang nagagawan ko ng ilang tula.

Walang angkop na paliwanag kung bakit di ako nagsasawa,
Basta ang alam ko sa istorya n'yang ito, ako'y labis na natutuwa,
Di lang s'ya basta isinulat upang matawag na isang obrang nilikha,
Dahil sa bawat istoryang likha n'ya ay may aral kang makukuha.

Pinakatumatak na istorya n'ya sa akin ay He's into her,
Kung saan maraming eksena na hirap akong makaget-over,
Mga bida na nagbigay ng aral, kilig at matinding laughter,
Kaya naman nagpapasalamat ako kay Maxinejiji na s'yang writer.

Natagpuan ko ang aking sarili libro nito ay aking binibili,
Kasi sa istoryang ito ako ay talagang nawiwili,
Mga bida at ibang tauhan dito sa isip ko na nanatili,
He's into her para sa akin ay the best hanggang sa huli.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon