KATULAD

27 0 0
                                    

Ang ating taon ngayon ay panibago,
Sana simula ngayon ito'y maging manigo,
Ang mabuting katangiang taglay natin ay 'wag sana magbago,
Ayos lang na kung minsa'y tayo'y mabigo,
Iyong biyayang kakayahan ay 'wag itago.

Katulad ng isang Maxpein na ilang beses man natalo,
Nananatiling positibo hanggang s'ya ay naging panalo,
Hindi s'ya sumuko hanggang marating ang dulo,
Kahit pa isa s'yang babaeng lapitin man ng gulo,
Mga bagong kakilala at kaibigan ang naging maganda n'yang regalo.

Ang buhay natin ay mayroong dumadating na 'di inaasahang bagay,
Pero sana sa anumang pagsubok ay huwag ka agad bibigay,
Dahil tayong lahat ay may dahilan kung bakit nabubuhay,
Lahat tayo susuong at makakatawid sa matarik na tulay,
Alalahanin na ang mundo natin ay nababalutan ng maraming kulay.

Katulad ng isang Maxpein na pansamantalang nawalan ng emosyon,
Pinahalagahan ang mga nasa paligid lalo na ang edukasyon,
Kahit pa ano pa ang kinaharap n'ya noon,
Hindi naging hadlang yon, na mangarap ka hanggang ngayon,
At maging isang taong maaring ituring nilang inspirasyon.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon