NAMISS KITA (HIH)

31 1 0
                                    

Maxpein feel be like

Nais na rin kitang hagkan,
Ang iyong kamay nais hawakan,
Nananabik na ika'y aking balikan.

Subalit ika'y aking lamang pinagmamasdan,
Sa lugar na di kalayuan sa iyong kinatatayuan,
Nakita ko ang iyong paglusob sa malakas na ulan.

Sarili ko labis-labis na pinipigilan,
Na huwag ka munang lapitan,
Kahit ako rin ay nasasaktan.

Wangis mo ay kaawa-awa,
Subalit ako ay walang magawa,
Maghintay tangi kong ginagawa.

Ninanais ko na rin na magpakita,
At makipagtitigan sa 'yong mga mata,
Sasabihin ko na sobrang namiss kita.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon