MALIGAYANG KAARAWAN

13 1 0
                                    

Ngayon kami sa 'yo'y bumabati,
Sana parati kang nakangiti,
Ngayon ang espesyal mong araw,
Mas maraming biyaya pa ang iyong matatanaw.

Sa 'yo nagpapasalamat kami,
Dahil sa mga istorya mo, natutunan namin ay napakarami,
Makakaasa ka na kami ay mas lalo pang madadagdagan,
Para sa amin nag-iisa kang  "Reyna ng Kahambugan".

Hambog na kaibigang tunay,
Na sa mambabasa aral ang ibinibigay,
Hambog  na  marunong magpahalaga,
Kaya huwag kang magtaka na marami kang tagahanga.

Maligayang Kaarawan sa 'yo Maxine Lat,
Sa 'yo kami ay labis na nagpapasalamat,
Dalangin namin sa aming simpleng pagbati,
Ika'y aming nagawang mapangiti.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon