NANGANGARAP

13 0 0
                                    

Lahat tayo ay nangangarap,
Na ang ating hinahangaan ay makaharap,
Maaring hindi man ngayon,
Baka sa ibang pagkakataon.

Ilang beses man napuno,
Ang aking mga kuwaderno,
Ng mga inialay na tula,
Simula nang akda n'ya aking nakilala.

Aking panulat ilang beses man naubos ang tinta,
Isip at damdamin ko bumubuo pa rin ng salita,
Para sa kanya at para sa kanyang mga kuwento,
Dahil para sa 'kin ay kasiyahan ang idinudulot nito.

"He's into Her" ang una kong nabasa,
Ngayon ang "M" n'ya ay nag-uumpisa,
Pinaiyak ako ng kanyang "The Wishful Thinker",
Binigyan pangaral din ako ng kanyang "Poser".

Nariyan pa ang kanyang "Love Without Limits",
Mga Del Valle Moon na mahirap ipagpalit,
Hindi ko nakakalimutan ang "Maglaway ka man sa akin",
Ito ang mga istorya n'ya na imahinasyon ko nagawang paganahin.

Marami nangangarap na kanyang mapansin,
Sa kanyang mga ngiti, Jijies ay nakakayang pasayahin,
Hanggang saan ako dinala ng aking mga tula,
Si Maxinejiji at mga bagong kaibigan ay aking nakilala.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon