HIH

12 0 0
                                    

Sabi ng iilan sa kahabaan ito'y boring,
'Di nila alam sa kalagitnaan ito'y exciting,
Mas nauuna kasi ang kanilang judging,
'Di subukan tapusin hanggang ending.

Bawat chapter ay sulit para sa akin,
'Di ko masasabi na ako'y bitin,
Ilang pages din kaya kung abutin,
Kaya hanga ako kay Miss Maxine.

"He's into her" pagaganahin iyong imagination,
Sa bawat pangyayari maghahalo iyong emotions,
Ang basahin ito at tapusin para sa 'kin ay tamang decision,
Kasi rito ay marami akong nakuhang lesson.

Mapapaisip ka na agad sa pamagat,
Tayong lahat may kakayahang magsulat,
Basta isa ako sa mga nahikayat,
Na basahin ito kaya nagpapasalamat.

Walang sinuman mahusay na agad magkuwento,
Dahil sa bawat araw na lumilipas ika'y natututo,
Ayos lang din naman kung hindi mo gusto,
Basta kaming jijies ay tinatangkilik ito.

Sa bawat paglipas ng taon may mga nauuso,
Mayroon mga kuwentong mag-iiwan ng pitak sa puso,
"He's into her" sa paglimot dito ako'y mabibigo,
Dahil ang epekto ng kuwentong ito sa 'kin ay 'di na magbabago.

Sa kanyang mga kuwento ay nakakalikha ako ng mga tula,
Sa bawat pag-uupdate n'ya noon ako'y sumisigla,
Kaya masasabi ko tinamaan ako rito ng malala,
Ang manunulat nito sa personal ay 'di ko pa nakikilala.

Lahat tayo'y iba-iba ang panlasa sa binabasa,
Marahil ang opinyon natin ay 'di pareho at iisa,
Masasabi ko ay proud ako maging kanyang mambabasa
Basta ang manunulat nito at kuwentong ito ay minahal ko ng pagkukusa.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon