HIH Scene

5 0 0
                                    

Deib feel be like

Narito ako sa palapag, kung saan tayo nagkakilala,
Palapag kung saan pinatid kita,
Bumabalik sa aking mga alaala,
Noon ay walang emosyon ang iyong mga mata.

Mga mata ko ngayon ay lumuluha,
Sarili ko nahihirapan akong aluhin,
Naalala ko ang maamo mong mukha,
Parusa nila sa 'yo 'di ko kayang intindihin.

'Di matanggap nasa huli wala pa rin akong magawa,
Bakas sa 'yong mukha ang paghihirap,
Bakit kapalaran sa 'tin ay 'di  na naawa,
Wala na bang pag-asa matupad aking pangarap.

Pangarap na makasama ka sa hinaharap,
Aanhin ko ang pangalawang buhay na ito,
Kung wala na katuparan itong aking pangarap,
Umaasa ko ngayon na ikaw ay makikita ko rito.

Parusa nila sa 'yo, hirap akong tanggapin,
Bakit ba kailangan pa mangyari sa 'yo ito?
Habang nabubuhay ako, ika'y aking hahanap-hanapin,
Dahil ikaw Taguro ang nag-iisa kong mundo.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon