HAMBOG (The Wishful Thinker)

76 1 0
                                    

Laubree feel be like

Sa bintana ng aking kwarto ay mayroong umakyat,
Kaya naman ako ay sobrang nagulat,
Mabilis ko namang itinaboy itong lalaki,
Kung sino man s'ya ay wala na kong paki.

Naikuwento ko iyon sa aking kaibigan,
Wala pa naman daw sa village na nakakawan,
Naglalakad na kaming dalawa pauwi,
Nang biglang tinamaan ako ng bola, kaya ako ay napangiwi.

Inaabot na yata ako ng kamalasan,
Lalaking nakatama sa akin ay s'ya na naman,
Guwapo nga sana s'ya kaso may pagkahambog,
Pati ba naman aso n'ya ako ay tinakot at binulabog.

Ang inis ko sa kanya ay mas nadagdagan,
Asong alaga n'ya ay may sariling pangalan,
Talagang sa aking pangalan ay katunog,
Naiirita na ko sa kanya, lalaki s'yang hambog.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon