PAGKAKATAON

12 0 0
                                    


Ilan sa amin sa pagkakataon ay ipinagkait,
Ngayon aking mga mata mariing ipinipikit,
Nagtatanong bakit tila may gumuguhit,
Sanhi ba ito ng nadaramang pagkainggit.

Subalit para sa kanila ako'y masaya,
Pagka't sila ay nakasama at nakita s'ya,
Kung kaya ko lang liparin ang layo ng kanilang milya,
Sana kasama ako sa kanila at nakikisaya.

Sana hindi ito ang huling pagkakataon,
Sana may ganito pa sa susunod na taon,
Para maranasan namin na nasa mga malalayong  nayon,
Ang naranasan nilang saya ngayon.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon