M

73 0 0
                                    

Kaninang umaga sa pagmulat ng aking mga mata,
Pakurap-kurap pa ko tama ba nababasa at nakikita,
Napangiti ako muli sa bago n'yang sorpresa,
Iba ka talaga, ikaw na talaga ang nag-iisa.

Istorya na aming muling aabangan,
Kanyang tapang muli naming hahangaan,
Ngayon pa lamang ang panimula,
Aming sistema muli na naman nagwawala.

S'ya pa lamang ay magiging musmos na sanggol,
Na hahasain para maging isa sa kanilang tagapagtanggol,
Ngayon pa lamang ama n'ya ay humihingi na ng patawad,
Sa kanyang mga pagsasakripisyo mayroong biyayang maigagawad.

"M" sumisimbolo  basa kanyang pagiging malakas,
"M"  sumisimbolo ba sa kanyang pagiging maangas,
"M " ano nga ba ang tunay na kahulugan,
"M" iyan ang matindi at malupit kong aabangan.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon