NAGTATAPAT (HIH)

14 0 0
                                    

Deib feel be like

Noon iyong porma at pananamit ay aking kinukutya,
Sa harap ng karamihan ika'y aking ipinapahiya,
Kahit sobrang sakit na pilit mo pa rin kinakaya,
Pero isang tulad ko ay iyong kayang-kaya.

Nakuha mo pa kong tulungan,
Nang kami ay kanilang abangan,
Nariyan ka kapag ako'y nangangailangan,
Ipagtatanggol ako nang walang pag-aalinlangan.

Ating pag-uugali ay halatang magkasalungat,
Tinutukso nila ko nahanap ko na raw ang aking katapat,
Bakit nga ba sa una nating minahal 'di tayo naging sapat,
Natagpuan ko ang aking sarili na sa 'yo'y nagtatapat.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon