HIH scene

26 0 0
                                    

Maxpein feel be like

Ito'y isang malaking kalokohan,
Mga sinabi n'ya ay 'di ko pinaniniwalaan,
Malamang ako'y kanyang pinagtritripan.

Isang malaking kasinungalingan,
Ako raw kanya nang nagugustuhan,
'Di ko mawari aking nararamdaman.

Matapos lahat nang ginawa n'ya sa 'kin,
Dahil lamang sa paraan ng aking tingin,
Naisipan n'ya na kong patirin.

Naaawa lang s'ya sa akin,
Nalilito lang s'ya sa kanyang damdamin,
Ang kalimutan iyon ang nararapat n'yang gawin.

Subalit ayaw n'ya talaga kong tigilan,
Maging dito sa aming isla ako'y sinundan,
Kaya nag kasama kami sa Palawan.

'Di ko naman maatim na s'ya'y paalisin,
Dahil talagang pagod na s'ya at gabi na rin,
Baka ano pang mangyari ako pa kanilang sisihin.

Mga bagay na 'di ko ginagawa aking nasubukan,
Mga isda na aking matagal nang kinatatakutan,
Dahil sa kanya na kaya ko nang malapitan.

Sa kalagitnaan ng islang aming kinatatayuan,
May bagay na 'di ko lubos na inaasahan,
Nang ako'y kanya na lamang basta halikan.

'Di ko mawari bakit 'di ko s'ya nagawang pagalitan,
Pero batid ko na sa aming dalawa mayroong ilangan,
'Di malaman paano at sino magbubukas ng usapan.

Sa Airport naisipan ko pa s'yang abangan,
Sa kanila ako'y sumama at naghapunan,
Kami ng ate n'ya muntikan na namang magbangayan.

Hinatid n'ya pa ko sa aming tahanan,
Nakakatawa magkahawig pa ang nabili naming laruan.
Napangiti na lamang ako sa ibinigay n'ya ritong pangalan.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon