SEASON 1 (HIH)

66 2 0
                                    

Deib feel be like

Di ko nagustuhan ang kanyang pagkakatingin,
Kaya di ako nagdalawang isip na s'ya'y patirin,
Nagulat na lamang nang bigla n'ya kong sapakin,
S'ya ang kauna-unahang babae lumaban sa akin.

Ang atensyon ng lahat ay amin nang naagaw,
Sabi pa n'ya ako ay isang mukhang siopao,
Kaya naman sa aking inis, ako ay napasigaw,
Si Lee ay nagsimula nang umawat, bagay na aking ayaw.

Isipan ko naghuhumagsik ng matinding pagganti,
Nagkamali s'ya ng taong  kinanti,
Sa kanyang mukha ako ay nanggagalaiti,
Kaya naman tinapunan ko s'ya ng spaghetti.

S'ya ang  bagong target kong bubullyhin,
Kanyang buhok ay naisipan kong pagdikitin,
Natawa pa ko nang kanya nang gupitin,
Mga kaibigan ko nahirapan akong intindihin.

Pati kanyang sapatos ay aking pinagtripan,
Binigay ko sa janitor ng aming eskwelahan,
Napangiti ako, pagkat di n'ya ko paghihinalaan,
Babawiin pa ba n'ya iyon sa nangangailangan.

Sino itong lalaking kanilang pinagkaguluhan?
Nakakapagtaka tulad pa n'ya ang nagustuhan,
Walang taste katulad n'ya pa ang pinatulan,
Baduy pa naman ang kanyang pormahan.

Di pa ko natapos sa pang-aasar,
Nakaisip ako ng panibagong paandar,
Naisipan ko na isali s'ya sa pabibilyar,
Laro na sa kanya pala ay pamilyar.

Pati schoolmate namin s'ya ay pinagtritripan,
Doon ko nakita ang kanyang katatagan,
Nakatagal s'ya sa amin na di ko inaasahan,
Naiiba s'ya sa mga target ko noong mga nakaraan.

Sa kanyang talento ako ay patuloy na nagbibigla,
Magaling pala s'ya sumayaw kaya ako ay natulala,
Aking buong atensyon ay kanya ng nahila,
Bakit sa paningin ko ay pinaka-angat s'ya sa kanila?

S'ya ay isang babae na may angking talino,
Pero napakahirap kausapin ng matino,
Di magaling magbiro ngunit isang pilosopo,
Dinaig pa nga n'ya ko sa klase ng pakakaupo.

Di ko maitatanggi gumugulo s'ya sa aking isipan,
Ano nga ba ang kanyang tunay na katauhan?
Sa kabila ng lahat na nagawa ko sa kanya, ako ay tinulungan,
Bakit ang galing-galing n'ya sa pakikipaglaban?

Patuloy ako nagugulat ng dahil sa kanya,
Pati kaibigan kong si Ysay ay inaaway na n'ya,
Ito raw ang may kasalanan kaya nasa ospital si Naih,
Nang malaman ko ang katotohanan, ako ay napahiya.

Simula noon s'ya ay akin ng hinahanap-hanap,
Pakiramdam na di ko pa lubos na matanggap,
Nagtaka ako nang sila ni Randall ay nagyakap,
Mas lalo tuloy akong nalito sa mga nagaganap.

Nang malaman ko ang  kanyang tunay na katauhan,
Tila malamig na tubig ako ay binubuhusan,
Aking mga nagawa sa kanya ay pagsisisihan,
Ang masasabi ko ay mapagbiro aming kapalaran.

Mga katotohanan ay unti-unti na kong sinasampal,
Di ko alam kung kaya ko pa makatagal,
Lalo na't s'ya  pala ang dating nobya ni Randall,
Ang babaeng di n'ya makalimutan at labis n'yang minahal,



DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon