MAGIGING AYOS NA KO

15 0 0
                                    

Kahit ikaw lang pumansin ayos na,
Ilang beses na rin kasi ako nahila pababa,
Kahit ikaw lang pumuri ayos na,
Bago aking panulat tuluyang ibaba.

Isang komento mula sa 'yo, magiging ayos na,
Isang payo mula sa 'yo, makakaya ko na,
Ipakita lang na gusto mo akong maging kaibigan,
Gagawin ko lahat para takot ko ay madaigan.

Magiging ayos na ko, pag ako ay iyong napansin,
Aking laban ay susubukan ng tapusin.
Magiging ayos na rin ang lahat at hindi na susuko,
Iparamdam lang sa 'kin nariyan ka, lalaban pa ko.

Ipakita  mo lang ikaw ay bilib sa 'kin ayos na,
Sa ngayon ay sa 'yo lang ako makikinig,
Isang pampalakas loob mula sa'yo, ayos na,
Nais ko malaman mo, iyan ang mga salita nais ko isatinig.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon