PROJECT M

23 1 0
                                    

Bago matapos itong taon,
Mayroon s'yang pabaon,
Ibabalik tayo sa nakaraang panahon.

Bago nakilala ang babaeng walang emosyon,
Na pinagtibay ng kanyang dedikasyon,
Kaya naman hinahangaan s'ya ngayon.

Atin na ring malalaman,
Nakaraan ano ang nilalaman,
At ang kinahinatnan ng kanilang nararamdaman.

Isang babaeng sariling kapalaran n'ya'y binago,
Hindi sumuko ilang beses man nabigo,
Tapang at paninindigan dumadaloy sa kanyang dugo.

Kapalaran mahirap man ihinto,
Bumukas ang tunay na pinto,
Pinto kung bakit s'ya nandito.

Isang babaeng na sa sariling ina ay nangungulila,
Mga emosyon n'ya minsan man nawala,
Babaeng buong emperyo s'ya'y tinitingala.

Hinubog s'ya para sa pakikipaglaban,
Mga hamon sa kanya wala s'yang ipinagliban,
Nasa dugo n'ya ang lahing isang palaban.

Bago ang taon na ito ay tuluyang lumisan,
Nakaraan ay kanyang bubuksan,
Lungkot sa puso n'ya paano nga ba naibsan.

Kanyang mga katangian kanya bang mamamana,
Ang tapang at angas ng kanyang hambog na ina,
Maxspaun Thaddeaus Enrile Del Valle Moon ay ating makikilala na.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon