PANGARAP

18 0 0
                                    

Sabihin mo sa akin pakiusap,
Na may pag-asa pa na ika'y makaharap,
Na hindi pa iyan ang huli mong booksigning,
Sana may susunod pa, iyon ang tangi kong hiling.

Iyon ang isa sa aking mga pangarap at dalangin,
Ang makita ka sa personal Miss Maxine,
Para masabi ko rin sa 'yo na maraming salamat,
Sa mga istorya na iyong isinulat.

'Di ako mapapagal na lumikha ng mga tula,
Para sa 'yo at sa mga akda mo na aming nakilala,
Ngayon ako ay nagtitipa ng pang limang daan,
At naniniwala ako na ito ay akin pang madadagdagan.

Dahil iyong mga likha at ikaw ang aking naging inspirasyon,
Upang maisulat ko ang aking mga emosyon,
Sana balang-araw ikaw ay aking makaharap,
Masasabi ko na rin natupad  na ang isa kong pangarap.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon