MAXPEIN

9 0 0
                                    

Maxpein feel be like

Gusto kong magpalipad ng saranggola,
Pero sa akin iba ang tinuturo nila,
Hindi ko pa lubos na naiintindihan,
Pero akin nang mas pagbubutihan.

Nababalutan pa rin ako ng kalungkutan,
Mga habilin ng aking ama ay 'di ko nalilimutan,
Lalabanan ko ang pangamba at pangungulila,
Alam ko, makikita ko rin ulit sila.

Sa ngayon ako ang pinakamahina,
Baka sa susunod ako na ang nangunguna,
Sa una marami man akong pagkakamali,
Makakabawi rin ako bandang huli.

Misyon ko na nararapat na panindigan,
Aking loob at puso ay mas tatatagan,
Mga pag-eensayo ay akin nang huhusayan,
Sa aking sarili at sa kanila may nais akong patunayan.

Simula pa lamang ito nang pag-eensayo,
Sisiguruduhin ko isa ako sa matibay na tatayo,
Sa mga hamon nila ay hindi ako tatakas,
Ipapakita ko sa kanila ang sarili kong lakas.

Dahil ako si Maxpein Zin Moon ng buk,
Hindi ako aatras sa anumang ibigay nilang pagsubok,
Sisiguraduhin ko makakasama ko sa ikalawang proseso,
"Kakayanin ko", iyon ang sinisigaw ng aking puso.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon