MAXWELL MOON

27 0 0
                                    

Sa aking mga bisig, s'ya'y aking karga-karga,
At ako sa kanila ay nagpumilit talaga,
Ingay ng paligid ay hindi n'ya alintana,
Sa akin s'ya'y tumatawa at ngumingiti na.

Akala ko tanggap s'ya ng buong emperyo,
Sa amin ay gusto nila itong ilayo,
S'ya'y hinawakan ko ng husto,
Hindi kami pumapayag sa kanilang gusto.

Sinungaling daw ang aming pamilya,
Sila ay ayaw na ayaw sa kanya,
Aking puso nababalot ng kaba,
Inaasahan ko rito ay ibang-iba.

Nakatutok  sa amin kanilang mga palaso,
Binabalutan ng kaba at takot ang aking puso,
Galit na galit sa amin ang mga rango,
Kasalanan ng aking ama ay 'di na mababago.

Hindi namin inaasahan ang kanyang pagdating,
Ang reyna, kunin ang kapatid ko ang hinihiling,
Mabuti na lamang aking lola ay dumating,
Mga mata n'ya ay galit ang nais na iparating.

Ngayon ko lang nakita s'ya'y nagkaganito,
Sa galit n'ya tila mahihirapan ka na ito'y mapahinto,
Nag-aalab ang kanyang mga mata wala s'yang sinasanto,
Kahit pa ang reyna nagawa n'yang sigawan ito.

Simula noon ay nagbago na ang lahat,
Relasyon ng magulang ko ay tuluyang nagkalamat,
Isang bagay na hindi ko na labis kinagulat,
Maging ligtas lamang ang kapatid ko ay aking pinasasalamat.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon