MAXINEJIJI STORIES

31 0 0
                                    


Sa bawat kuwento ang pagkukumpara ay 'di mapipigilan,
Kaya ang paghahamak ng iba ay 'di narapat patulan,
Minsan inggit kasi ang pinagmumulan,
Kaya asahan mo 'di ka nila titigilan.

Anumang bagay na nakikilala,
Asahan natin ang pababa nilang paghila,
Basta tayong jijies mahal natin sila,
Lalo ang nagbahagi ng kuwento nila.

Init ng ulo lang minsan ang nagpapalala,
May mga kuwento na mapag-iiwanan at mawawala,
May mga kuwento rin na tatangkilikin ng madla,
Basta para sa ating jijies "Maxinejiji stories" ating kilalang kilala.

Hayaan natin ang kanilang mga iisipin,
Basta tayo iisa iniidolo natin,
Hangga't maari ang inis ay ating supilin,
Bagkos malawak na pag-unawa ating pairalin.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon