HIH

9 0 0
                                    

Unang araw ng pasukan,
Mga kaeskuwela nila nag-uumpukan,
Kapag silang tatlong magkakaibigan,
Ay sunud-sunod na nagdaratingan.

Silang tatlo ay kilalang-kilala,
Sa buo nilang eskuwela,
Dahil may-ari ay pamilya nila,
Tatlong lalaki ito sino nga ba sila?

Si Deib Lohr sa pambubully ay nangunguna,
Pero sa subject na Biology may pagkamahina,
Si Lee Roi may appeal na kahali-halina,
Magpapahuli ba si Yakiro Tobi na may Michiko na.

May bagong lipat na estudyante sa kanila,
Habang sila ay nakaabang at nakapila,
Pag-ulan noon ay hindi tumitila,
Dumaan ito at pinatid ni Deib nang pabigla bigla.

Lahat ng mga naroon ay nakakita,
Isa itong babaeng blangko ang mga mata,
Na maangas ang kilos at maging pag asta,
Babae na kung titingnan tipid magsalita.

Isang sapak ang pinakawalan nito,
Na sa mundo ni Deib nagpahinto,
Nanggalaiti na rin sa inis ito,
Pagkat wala pang kumakalaban dito.

Simula nang araw na 'yon ay umpisa,
Umpisa ng awayang nilang aso at pusa,
Sa tipo nila ay ayaw mapagtalo sa isa't isa,
Hanggang sa magkalapit na sila nang kusa.

Maraming nagbago sa kanilang mundo,
Lalo nang tamaan si Deib ni kupido,
Lahat sa paligid sila'y tinutukso,
Kaya ang ending ay hinahabol na s'ya ng mga puso.

Si Deib Lohr na sa pambubully nanguna,
Isang Maxpein ang labis na nagpapahina,
Hindi n'ya na kaya pag ito'y nawala na,
Dahil ito ay hinahanap hanap n'ya na tuwina.

Sensui na namatid lamang noon,
Pero may Taguro na ngayon,
Nararamdaman nila pinagtibay ng panahon,
Ngayon ay meron na silang Maxspaun Thaddeaus Enrile Moon.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon