HIH Scene

15 0 0
                                    

Maxpein feel be like

Haharapin ko na ang aking kaparusahan,
Ito ay akin na ring napaghandaan,
Walang anuman akong pinagsisisihan.
Dahil kasakiman nila, 'di nararapat hayaan.

Makausap ang isang tao, ako'y kanilang pinayagan,
Aking puso at damdamin ay aking nilakasan,
S'ya lang ang naisip ko na nararapat na tawagan,
Para aking dinadala at agam-agam ay maibsan.

S'ya ang taong aking lubos na pinagkakatiwalaan,
Para ang minamahal kong nobyo ay mabantayan,
Pinipigil ko ang aking sarili na maging isang luhaan,
Alam ko kahit malayo s'ya nais n'ya kong damayan.

Salitang ito sa wakas ay akin na ring nabanggit,
"Eomma" aking nabigkas kahit man lang saglit,
Puso at damdamin namin ay parehong napupunit,
S'ya ang nag-iisa kong ina na wala sinumang makakapalit.

Naramdaman ko ang pagbasag ng ang aking tinig,
Sa pagluha iniiwasan ko ang tuluyang manginig,
Sa huling pagkakataon tinig n'ya ang aking narinig,
Sa ating mga panalangin alam ko s'ya'y nakikinig.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon