HUMAHANGA

6 0 0
                                    

Walang bagay o taong perpekto,
Dahil sa bawat araw lahat tayo'y natututo,
Lahat tayo makakarating sa panibagong yugto,
Yugto kung saan makakatagpo tayo ng ginto.

Ginto na hindi isang materyal na bagay,
Na kasiyahan pa rin sa 'yo ang ibinibigay,
Mga kaibigan at pamilya sa iyong buhay,
Na nagbibigay kulay sa buhay mong lumbay.

Hindi lahat ng tao ikaw ay magugustuhan,
Hindi lahat ng tao ikaw ay maiintindihan,
Magtiwala lamang sa iyong sariling kakayahan,
Dahil tiyak na iyon ay may mapupuntahan.

Lahat tayo ay may tinataglay na kayamanan,
Ang mga aral sa buhay na ating natututunan,
Pamilya, kaibigan at edukasyon ang ating mga yaman,
Na hindi makukuha at mapapalitan ninuman.

Isa ako sa mga nabihag ng kanyang  mga kuwento,
Iisa lang ang tangi kong makokomento,
Mga nais nitong iparating ay naramdaman ko,
Basta sa isang "Maxinejiji" ay humahanga ako.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon