JIJIERA

14 0 0
                                    

Kaharap ko ngayon ang isang papel at panulat,
Mag-aalay muli ng isang tula para kay Maxine Lat,
Tatlong taon na rin ang lumipas at tuluyang nagdaan,
Simula nang isang likha niya ay aking hinangaan.

Tinaguriang siyang "Hambogest" na manunulat,
Sa kanyang mga banat ikaw talagang magugulat,
Nagbibigay siya ng oras para sa aming mga jijies,
Kahit pagod na siya sa kanyang magdamag na duty.

Ilang araw na lang ay buwan na ng Setyembre,
Ang mga jjjies sobrang nasasabik siyempre,
Maghahanda na sila sa mahaba-habang pila,
Ayos lang, kahit hindi ako makakasama sa kanila.

Maxinejiji masaya talaga ko at ikaw ay aking nakilala,
Hindi ako mapapagal na lumikha para sa 'yo ng tula,
Sana dumating ang araw na ika'y aking makadaupang-palad,
Para masabi na maging isa sa iyong jijiera, ako'y mapalad.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon