°°°°°°°°°
Maaga pa lang ay gising na si Yuri kasama ang pinsan na si Martha, araw iyon ng sabado kaya wala silang pasok sa Unibersidad
Inaayos nila ang mga dadalhing regalo para sa bahay ampunan at doon din idaraos ang binyag ng anak nina Nena at Manuel
Ninang siya kaya kailangan na nandoon siya kasama ng mga kaibigan ng mga ito
"Ate, wala ka bang naaalala sa mga kaibigan nila ate Nena?," tanong ni Martha sa kanya
"Hmmm?," napahinto siya at napaisip ng ilang minuto,"Wala naman, pero parang pamilyar silang lahat sa akin, biruin mo hindi ko talaga kilala si Manuel pero naging sila kaagad ni Nena? Matagal na ba silang magkasintahan?,"
"Oo," sagot ni Martha,"Siguro mga apat na taon na sila bago ikinasal, two years na silang kasal at ngayon may isa na silang anak,"
Napaisip siya ng mabuti sa mga sinabi ni Martha sa kanya
"Apat na taon?," takang tanong niya,"Bakit parang hindi ko pa nakikita si Manuel kahit isang beses,"
"Maaalala mo din silang lahat," sabi nalang nito sa kanya bago binitbit ang mga regalo para sa mga bata na nasa ampunan
Kaagad silang tumawag ng tricycle matapos maihatid sa labas ang lahat ng kanilang dadalhin, kaagad silang sumakay at nagpahatid sa bayan kung nasaan ang bahay ampunan na katabi lang ng simbahan kung saan naglilingkod si Sister Janelle bilang Madre
.
.
.
.
.
.
.
.Inihatid muna nila ang mga dala nilang regalo at pagkain sa bahay ampunan bago sila pumunta sa simbahan para sa Misa at pagbibinyag ng araw na iyon
Nandoon na ang lahat ng mga kaibigan nila Nena na may kanya kanya ng asawa, pero si Nena pa lang ang nagkakaanak
"Hi, Yuri," bati ni Aira,"Kamusta kana?," tanong nito sa kanya na kasama ang asawa nitong si Kevin
"Oo nga kamusta kana?,"tanong naman ni Trina, nakatuluyan din nito si Bryan at kakakasal lang ng mga ito noong nakaraang taon
"Sabi ko na nga ba at kayo kayo din ang magkakatuluyan eh," nakangiti niyang sabi,"Ayaw niyo pa kasi magkaaminan noon,"
Nagkatinginan naman ang apat dahil sa sinabi niya
"Kita niyo nga nag double wedding pa kayo ng nakaraang taon,"
"N-naaalala mo na kami?," tanong ni Aira, na may pagtataka
"Oo naman," sagot niya,"Paano ko kayo makakalimutan? Eh tatlong taon na tayo magkakilala at dumalo pa nga ako ng kasal niyo diba?,"
"Oo nga naman," malungkot na sambit nilang apat na punong puno ng kalungkutan
Ilang sandali pa ay nagsimula na ang Misa at halos inabot iyon ng dalawang oras bago ang binyag, kaya eksaktong tanghalian na ng makalabas sila ng simbahan
Sumama na sa kanila si Sister Janelle papunta sa bahay ampunan para doon na makisaya sa kanila
"Sister Janelle, pamangkin mo pala iyong wirdong kaklase ko?," tanong niya habang kumakain
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯
HorrorHeto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita kita At ang mga nakatagong lihim ay mabubunyag na Kaya tara at samahan natin ang ating mga bida sa pa...